Pages

Monday, October 11, 2010

MUKHA NG BUHAY...

Nagising ako sa tama ng sikat ng araw sa aking mukha, alam ko na dito ako natulog sa bahay ng kumpare  ko at di na rin ako nagulat pa kung bakit ako hubo't hubad nakatulog, alam ko na may nangyaring hindi maganda sa aming dalawa, pero hirap isipin kung bakit ako nagpa-ubaya, kung bakit ko nagustuhan at kung bakit ko siya pinaligaya ng lubusan. Ano ba ako??, nakakalito di ko masagot, gusto kong magalit sa kanya, gusto ko siyang sapukin, pero bakit di ko kayang gawin.... Wheww, hirap mag-isip-

Umupo ako sa may kama, iniisip ang mga nangyari sa buong magdamag, maraming katanungan sa utak ko na ang hirap sagutin, ang gulo,,, mga tanong na bakit at bakit. Kinapa ko ang sarili ko, nanglalagkit ako, makukuha ba ito sa paligo? mawawala ba at maibabalik sa dati ang lahat kung ililigo ko ito??

Nasa ganon akong ayos, ng pumasok si Thor na nakangiti, alam ko masaya siya at may hawak na isang tasa ng kape, lumapit sa akin at akmang hahalikan ako, kaya sabay tayo at taas ng dalawang kamay ko, wala akong pakialam kung burles pa ako sa harapan niya, 

"Puwede ba, layuan mo ako" wika ko at dali dali akong nagbihis ng aking mga damit, wala akong pakialam kung napaso siya ng mainit na kape, ang alam ko lang ng mga oras na yun, gusto kong umalis, umuwi sa amin, ayaw ko siyang makita, kaya walang paalam na lumisan ako sa bahay na yun.

Dumating ako sa amin na nasa may harapan na ng bahay ang 2 kong anak naglalaro, pagkakita sa akin ay nag-uunahang sumalubong at nagmano,
"tay, saan ka galing, may pasalubong ka sa amin" tanong sa akin ni Diego ang panganay kong anak

"saan ka natulog tay, sa bahay ba ni ninong" sabat ng pangalawa kong anak, Junior ko

"Siguro nag-inuman na naman kayo ni ninong" sabi uli ni Diego

 "Oo, nakipag-inuman nga ako don sa ninong nyo, at doon na rin ako natulog, pasensiya na ha, wala akong pasalubong, pero mamaya babawi ako sa inyo, mamasyal tayo" sagot ko sa kanila

 "Yippeee, aalis kami", tuwang tuwa na sabi nung dalawa

Pagkasabi ko non ay pumasok na ako ng bahay upang magkape, maglinis ng katawan at magpahinga ...


itutuloy...

No comments:

Post a Comment