Pages

Saturday, October 16, 2010

MUKHA NG BUHAY 3

"WHOOOO, tang inang buhay ito, ang gulo, hirap isipin", sabi ko sa sarili ko

Hindi ko alam kung bakit ko hinayaang mangyari yun sa aming dalawa ng kumpare ko at kung bakit ko nagustuhan, mga tanong na wala akong alam isagot. Wala akong kaalam- alam na bakla pala si Thor, bakit nagkaganoon, wala naman akong nakikitang kinikilos niyang kaiba. Hindi naman puwedeng mangyari na magkagusto ako sa kanya, imposible yun,siguro ayaw ko lang na ipahiya siya.

Mahal ko siya, alam ko yon,pero bilang kaibigan lang, matalik na kaibigan, madalas ko pa nga siyang halikan sa pisngi niya, pero walang malisya yun, para sa akin. Kasangga ko siya sa lahat ng bagay.

Marahil.hindi ko magawang tadyakan o suntukin siya sa nangyari, bilang pagtanaw ng utang na loob sa kanya, marami na rin siyang naitulong sa akin at sa aming mag-aama, kahit ng buhay pa ang misis ko.siya rin ang naging takbuhan ko, lalo na sa mga pambili ng gamot na kailangan ni misis noong kasalukuyang lumalaban kami sa sakit niya, hanggang sa mga naging gastusin ko ng mamatay si misis.

Mabait si Thor, alam ko yan, buhat pa ng mga bata kami hanggang ngayon, nandyan siya para sa aming mag-aama, wala akong nakitang bahid ng kasamaan sa kanya, kaya marahil hindi ako nakatutol sa mga nangyari, dahil sa mga naitulong niya sa akin, siguro nga, pagtanaw ko lang ito ng utang na loob, kaya pinabayaan ko siya.

"Pero binaboy niya ako eh, tang ina niya" usal ko at buntung hininga

Sabay tayo ko at---

"Ahhhhhhhhhhhhh" sigaw ko

BLAAAG BLAG ... suntok ko sa may dingding ng bahay ko sa may gilid ng bintana, wasak ang dinding ko, wala na akong magawa eh, kaya doon ko na lang ibinuhos ang sama ng loob ko, ang galit ko-

"Tay, si ninong nandiyan sa labas hinahanap ka" patakbong sabi ng anak kong panganay, na biglang sumulpot sa may likuran ko

"Sabihin mo, ayaw ko siyang makita o maka-usap" sabi ko

"Ba..bakit po" tanong ng panganay ko

"Wala ng tanong tanong, sabihin mo" sagot kong pasigaw na

Sabay pasok ni Thor, ang kumpare kong gago, nakatingin sa akin, kita ko sa mga mata niya ang nangingilid niyang luha. Matalim naman ang tingin ko sa kanya, tikom ang mga kamao ko sa galit, gusto ko siyang suntukin ng suntukin, pero parang namamanhid ang kanan kong kamay.

"Tay dugo, may dugo ang kamay mo" sigaw ng panganay ko

Akmang lalapit naman si Thor sa akin, marahil titignan ang sugat ko sa kamay;

"Hanggang dyan ka lang, sa mukha mo tatama ito" sigaw ko na nakaamba ng suntok ang kamay kong nagdudugo

"Pare yang kamay mo" nakikiusap na sabi niya

"Umalis ka na, puwede ba?, at wag na wag mo akong kakausapin. Sa susunod na masalubong mo ako sa daan, umiwas ka na lang, dahil nasisiguro ko sa iyo , hindi ko na mapipigilan pa ang sarili ko, tatama na sa mukha mo ang mga suntok ko" sabi kong nanggigil

Nakatingin lang siya sa akin,nanatiling nakatayo sa puwesto niya, sa may bungad ng barung barong ko, nakiki-usap ang tingin sa akin, kaya...

"Umalis ka na" bulyaw ko sa kanya

Natatarantang hinatak siya sa kamay ng panganay kong anak, palabas ng bahay at palayo sa akin.



itutuloy

No comments:

Post a Comment