Isang hapon,araw ng Linggo. Mahigit pitong buwan na rin ang nakakalipas buhat ng may nangyari sa amin ng gago kong kumpare. Galing ako sa paglalaro ng basketbal sa may plaza, kasama ang mga katropa ko. Narinig ko na nagkakasiyahan ang dalawa kong anak, kaya sumilip ako sa may pinto, nakita kong kumakain ng chocolates yung dalawa at maraming mga nakakalat na supot.
"Ano yan, saan galing ang mga chocolates na yan" tanong ko sa dalawa
"Dinala po ni ninong, mga pasalubong daw niya ito para sa amin" sagot ni Jun yung bunso ko
"Ang dami nga tay, tapos may mga laruan pa kami at damit" tuwang sagot sa akin ng panganay kong si Diego
"Heto nga pala itay, may para daw sa iyo, pinabibigay ni ninong" sabi ni Jun sabay abot ng isang supot sa akin
Kunot ang noo na inabot ko ang supot, na may laman na mga briefs, sapatos na adidas, pantalon at t-shirt
"Gago talaga yun ah" sa isip ko lang at dali dali akong lumabas ng bahay, bitbit ang supot
Sumilip ako sa may gate ng bahay ni Thor, nakita kong nagdidilig ng halaman ang katulong niya
"Inday, ang amo mo?" tanong ko sa kanya
"Kuya, ikaw pala, pasok ka, nasa itaas si kuya, nagpapahinga yata, kagagaling lang kasi ng mga mama niya dito kanina" sabi sa akin ni Inday
Pumasok ako ng bahay at umakyat sa kuwarto ng kumapare ko, di na ako kumatok, tuloy tuloy akong pumasok sa kuwarto niya at nakita kong nabigla si gago
"Pare, musta ka na" sabi sa akin ng nakangiti
Ihinagis ko sa harapan niya yung supot na pasalubong niya sa akin at---
"Hindi mo ba talaga kami titigilan, ano?, ibabaon mo na naman ba ako sa utang sa iyo?, at ano ang kabayaran, katawan ko, uten ko, heto ba ang kailangan mo? tuloy tuloy kong sabi, sabay hubad ng short kong pang basket ball at sando
"Heto, pagsawaan mo, susuhin mo, bayad doon sa mga bigay mo sa mga bata ngayon" sabi ko
Nakatitig lang sa akin si Thor, umiiling
"Wag ka ng magpakipot, ito naman ang gusto mo di ba?, bakla ka, ang tagal mo akong nalinlang, pinagpiyestahan mo ng husto ang katawan ko, buhat pa ng mga bata tayo, buong akala ko, pareho tayo, kaya wala akong malisya na laging nakaburles sa harapan mo, yun pala sa tuwi akong nakahubad sa harapan mo pinagnanasahan mo ang katawan ko, ngayon heto pagsawaan mo" tuloy tuloy kong sabi sa kanya
"Nagkakamali ka pare, nagawa ko yun sa iyo dahil mahal kita" sagot ni Thor
"Tang ina mo, ayaw ko ng mga paliwanag mo, at wag na nating pahabain pa ito, susuhin mo na uten ko, yan naman ang gusto mo, ng matapos na" sagot ko
"Patawarin mo na ako pare", sabi ni Thor sabay lapit sa akin
"Gago, di kita kayang patawarin" sagot ko sabay hawak ng padiin sa mga balikat niya upang mapaluhod siya sa harapan ko
"Tapusin mo na ito, yan naman ang gusto mong kabayaran di ba?, kaya gawin mo"
sabi ko
"Nagmamakaawa ako sa iyo pare, patawarin mo na ako, hirap na hirap na ako, di ko kayang mawala ka sa akin, please nagawa ko lang iyon sa iyo, dahil sa laki ng pagmamahal ko sa iyo" sabi ni Thor na tumutulo ang mga luha, na nakayakap sa mga hita ko
"Tang ina mo, yang sinasabi mong pagmamahal kagaguhan yan, ibang klase ka, at hinding hindi kita mapapatawad, ngayon simulan mo na" sabi ko
Nanatili lang siyang nakayakap sa aking mga hita, nakasubsob ang mga mukha sa pagkalalaki ko, tuloy ang iyak
"Sabihin mo sa akin pare, gagawin ko ang lahat patawarin mo lang ako, wag ka lang mawala sa akin, lahat lahat gagawin ko,,, parang awa mo na pare, sabihin mo" sabi ni Thor
Ikinilos ko ang tuhod ko, sabay sikad ng konti, sanhi para makabitiw siya sa pagkakayakap sa akin at napasubsob sa sahig, nagbihis na ako ng aking mga damit
"Tandaan mo ito pare, ito na ang huli na pakiki-alam mo pa sa mga anak ko, ayaw ko makita ang pagmumukha mo, nasusuka ako" sabi ko sa kanya pagkabihis ko
"Pare please, wag mo namang gawin sa akin ito, hirap na ako" sabi ni Thor sabay yakap sa akin
Tinitigan ko lang siya sabay hawi ng mga kamay, para makakalas ako sa pagkakayap niya sa akin, kinuha ko ang pitaka ko at
"Nga pala, ito yung papel di ahensiya ng bracelet na binigay mo sa akin, ikaw na ang tumubos, wala akong pera, sinosoli ko na sa iyo yan" sabi ko sa kanya
"Pare, lahat gagawin ko, patawarin mo lang ako, please sabihin mo" umiiyak pa rin na sabi niya sa akin
"Ganon ba, sige pakamatay ka, patatawarin kita" sabi ko ng nakangisi sa harapan niya sabay talikod, palabas ng kuwarto niya
"Mahal kita pare, mahal na mahal kita" narinig kong sinasabi niya sa akin
Tok tok tok
"Diego, tignan mo kung sino yun"utos ko sa panganay ko
itutuloy
No comments:
Post a Comment