Pages

Monday, November 8, 2010

MUKHA NG BUHAY 5

"Sino ba yan?, gabi na nangangapit-bahay pa", isip ko at nagmadali akong nagpantalon , hubad barong sinundan ko ang panganay ko sa may pinto

 Blaagg
"Arrggh", bigla dumapo sa aking mukha ang suntok, sa lakas ng suntok muntik na akong sumubsob sa may sahig namin.

"Putang ina...." sabay amba ko rin ng suntok, para gumanti, laking gulat ko ng makilala kung sino ito.

"Tito Al, kayo pala. Ano ang kasalanan ko sa inyo?", nalilitong tanong ko kay Tito Al, ama ni Thor, sabay pahid ng dugo na tumulo sa may gilid ng bibig ko.

"Sumama ka sa akin sa presinto", sabi niya na masama ang tingin sa akin

"Sandali, ano nga ang ginawa ko?, gusto kong malaman", sabi ko

"Halika na sa presinto", ulit niyang pasigaw

"Ok,ok", taas kamay kong sagot, sabay kuha  sa t-shirt  kong nakasabit sa sandalan ng silya

"Aling Fely, aling Fely", sigaw ko

"O, bakit?",sagot ni aling Fely,nakadungaw sa may bintana nila

"Puwede po bang dito muna kayo sa bahay, kasama ng mga bata, baka ho hindi ako maka-uwi magdamag", sagot ko

"Sige, pupunta na ako agad dyan" sagot niya

"Salamat po", sagot ko

Nagpaalam ako sa mga bata at ng dumating si aling Fely ay umalis na kami ni Tito Al, papunta sa presinto. Sakay kami ng owner-type jeeep ni Tito Al ng magtanong uli ako...

"Ano ho ba talaga ang nangyari at ano ang kasalanan ko, Tito"

"Mamaya, pagdating natin sa presinto at ako ang magtatanong , hindi ikaw", tiim ang bagang na sagot sa akin

Wala na akong nagawa pa, kaya tumahimik na lang ako at nakikiramdam. Gulo ang isip ko at ramdam ko na rin ang kirot ng parteng nasuntok sa akin. Dumating kami sa presinto ng walang imikan.

"Upo ka", sabing pa-utos sa akin ni Tito, pagpasok namin sa opisina niya

Umupo akong nalilito, walang maisip kung bakit ako nandoon at bakit ganito ang trato niya sa akin

"Bakit mo sinaksak si Nestor", madiing tanong niya sa akin

"Po ... ?, hindi ko magagawa yun kay Thor", gulat kong sagot sa kanya, sabay tayo sa pagkaka-upo ko

"Umupo ka", sigaw niya sa akin

"Tito, alam na alam po ninyo kung gaano ang pagiging magkaibigan namin ni Thor, mula pa ng mga bata kami, ako ang madalas na sumasalo ng mga suntok na para sa kanya, kapag napapa-away kami, dahil ayaw ko siyang masasaktan, kaya imposible yang ibinibintang ninyo sa akin", sabi kong shock pa rin sa nalaman kong may sumaksak kay Thor

"Bakit napunta itong papel na ito sa kuwarto ni Nestor", sabi niya, sabay abot sa akin ng papel de ahensiya

"Binigay ko pa iyan sa kanya kaninang hapon", sabi ko

"Pangalan mo yan, kaya bakit mo binigay sa kanya?. Sabi ni Inday narinig din daw niya na minumura mo si Nestor, sumisigaw ka rin daw sa loob ng kuwarto niya", sabi niya

"EHH, ehh", di ko malaman kung ipagtatapat ko ang totoo, naguguluhan ako, kaya wala na akong masabi, kaya...

"Kamusta po siya, ano na pa ang lagay niya ngayon?, ligtas na po ba siya" sunod sunod kong tanong kay Tito Al

"Boogg"- lagabog ang mesa niya

"Gago ka Drek, ah, ako ang nagtatanong sa iyo, kung ano yang isinisingit mo, nasa malubha siyang kalagayan, kaya ikaw ang tinatanong ko", galit na sabi niya sa akin

"Hepe, nasa line 1 ang misis mo, kailangan ka daw maka-usap, importante! ", sabi ng isang pulis na nasa may bungad ng pinto ng opisina ni Tito Al

"Sarhento, ikaw na ang bahala dito, aalis na ako" narinig kong bilin ni Tito Al sa isang pulis

Ang bilis ng mga kilos niya,  hindi na ako nakapagtanong sa kanya kung saan siya pupunta, balak ko sanang sumama sa kanya kung sakaling sa hospital ang tungo niya.  Hindi ko na rin napakinggan ang iba niyang sinabi kay Sarhento, kaya para akong iniwan sa ere, hindi ko alam kung  ano ang mga nangyayari at kung ano ang gagawin ko dito sa presinto.

"Sir, maninigarilyo lang po ako sa may labas " paalam ko kay Sarhento, pagkaraan ng ilang minutong katahimikan at pagka-inip ko na rin sa sitwasyon

"Sige lang, at siyanga pala bata, pagkatapos mong manigarilyo bumalik ka agad dito at may mga sasabihin ako sa iyo, ano nga pala ang pangalan mo?", sabi sa akin ni Sarhento

"Drek po sir, at salamat po" sagot ko at sabay labas na upang makapag-sigarilyo naman ako

Ipinaliwanag sa akin ni Sarhento na kailangan daw akong manatili doon,hanggang walang linaw ang nangyari kay Thor, dahil ako daw ang pangunahing suspect . Dinala niya ako sa isang seldang bakante at doon niya ako pinatutulog at hintayin na lang daw namin ang pagbalik ni Tito Al.

"Magpahinga ka na dyan Drek, sabihin na lang muna natin na nabagansiya ikaw at kailangan mong magpalipas ng magdamag dito sa presinto" maayos na paliwanag sa akin ni Sarhento

"Salamat po Sarge" sabi ko

Sa loob ng kulungan ay di ko malaman kung ano ang gagawin ko, di ako dalawin ng antok, litung-lito ako, parang napakabilis ng mga pangyayari, kaninang hapon lang, sinugod ko si Thor, ngayon eto ako at naka- kulong.

"Tang ina mo, Thor, sa lahat ba ng mga nangyayari sa iyo, kailangang nakadikit ang pangalan ko???,  dapat kang mabuhay gago ka, ayaw kong mabulok dito sa salang hindi ako ang gumawa" isip kong nakahiga sa papag

"Puta!!," sabay balikwas ko sa higaan

Naisip kong bigla, na puwedeng walang ibang tao na sumaksak sa kanya, posible kasing siya mismo ang gumawa non, at baka ginawa niya yung huli kong salita na binitawan sa kanya, MAGPAKAMATAY KA!!

 "Gago ka Thor, kung sakaling totoo ito, mas dapat kang mabuhay,lumaban ka, wag mong sayangin ang ganda ng kinabukasan mo ng dahil lang sa katulad ko. Di ako karapat dapat sa pagmamahal mo, kaya dapat kang mabuhay , isa pa,hindi ko alam kung ano ang sasabihin ko sa mga magulang mo, hindi ko alam kung dapat ba nilang malaman kung ano ang nangyari sa atin. Wag kang susuko Thor, lumaban ka" usal kong taimtim, di ko rin alam kung bakit tumulo ang luha ko.


itutuloy

No comments:

Post a Comment