SA may kanto, kung saan naghihintay si Thor
"Halika na, himala yata at ikaw ang nagyaya ng inuman sa akin, dati rati, tumatanggi ka, at madalas mong sabihin, hindi puwede, bakit nga ba" tanong ko
"Wala lang, miss na kita, ganon,,,, ako ba di mo na mi-miss" tanong sagot sa akin ni Thor
"Hindi, bakit naman kita mami-miss " sagot kong nang-aasar
Di ko alam, kung bakit biglang parang nalungkot si Thor sa biro ko, dati rati naman na ganon kami kung magbiruan, kaya ako naman parang na-guilty, kaya inakbayan ko siya
"Loko, syempre miss din kita, tara bili na tayo ng maiinom natin at pulutan" dugtong ko
"Wag na, mayroon na sa bahay, bago ako nagpunta sa may kanto para abangan ka, naihanda ko na lahat" sabi niya
"Ha, " gulat kong tanong
Di na niya ako sinagot at hinatak na niya ako papasok ng bakuran nila
"Asan sina tito at tita", tanong ko pagkapasok ng bahay nila
"Palagay mo , mayayaya kitang uminom dito, kung nandito sina mama at papa, eh di nasigawan ako ng mga yun, umuwi sila ng probinsiya kaninang umaga, medyo may gulo daw sa mga partido ni papa" sagot niyang nakangiti
"Ok, simulan na natin, uy dami nating pulutan ahh" sabi ko habang naghahalungkat ng nakahain sa lamesa
"Sige umpisahan mo na yan Drek, akyat lang ako sandali sa kuwarto ko" sabi ni Thor
Umiinom na ako ng beer, ng bumaba si Thor,lumapit sa may likuran ko, umakbay sa magkabila kong balikat
"Happy birthday, igan, akala mo ba nakalimutan ko, inihanda ko ito, para talaga sa araw na ito"
"Salamat Thor, wala na akong masabi eh, baka mapa-iyak pa ako, kaya inom na lang tayo"sagot ko
Umupo siya sa may harapan ko, sabay abot ng isang maliit na kahon na dinukot niya sa kanyang bulsa-
"Ano ito?" tanong ko
"Buksan mo, regalo ko sa iyo yan, loko inipon ko sa allowance ko ang binili ko dyan, kaya ingatan mo" sabi niya
"Ganon ba?,salamat ha" sagot ko habang binubuksan ko ang maliit na kahon
Isang bracelet na ginto ang laman nyon, at may pangalan ko pa sa may ilalim, naka-ukit ay DREK--- 18 , alam ko, papatak ang luha ko, kaya nagpaalam ako na iihi lang.
Sa banyo doon talaga pumatak ang luha ko, sa tanang buhay ko, ngayon lang ako nakatanggap ng ganong regalo, at mula pa yun sa matalik kong kaibigan, kaya sinabi ko sa sarili ko, iingatan ko ito,hinding hindi ito mawawala sa katawan ko kahit ano ang mangyari.
"Salamat ng marami, igan, hinding hindi ito mawawala, promise" sabi ko sa kanya sabay tapik sa balikat niya, sabay balik na sa upuan at tungga ng beer sa baso ko
"Drek, bakit, bagal mong lumakad ngayon?,saka para kang bagong tuli. hehehehehe" tanong sa akin ni Thor
"Lukoloko, wala ito, medyo nanganglay lang siguro ang mga binti ko, sa maghapong trabaho" sagot ko
Kung anu-ano na ang aming mga napag-usapan habang nag-iinuman, para kaming bumalik uli sa aming kabataan, masaya kami, kaya nawili sa inuman at nakarami ng inom, di na rin namin namalayan na hatinggabi na pala, kaya doon na ako pinatulog ni Thor at baka ma-curfew daw ako.
Naka-akbay ako kay Thor habang paakyat kami ng hagdan, papunta sa silid niya, tuloy pa rin ang tawanan namin at kuwentuhan. Pagpasok namin sa silid niya, umupo lang siya sa kama niya, ako naman ay nag-alis na ng aking damit sa harapan niya, sanay na naman kami sa isa't isa, kaya walang malisya na maghubad sa harapan niya at siya din ay naghubad na ng kanyang damit, hanggang sa nakita ko siyang nakatingin lang sa akin, kaya--
"Ano ang tinitignan mo", tanong ko
"Wala, lumaki lang lalo ang katawan mo, lobo na ngayon ang dibdib mo, saka dami mo na ring pandesal sa tiyan pero lalo kang umitim, hehehehe" sagot niya sabay tawa
"Sira, alam mong bilad ako lagi sa araw, natural iitim ako ng todo" sabi ko sabay hubad ng pantalon ko
"Pero alam mo Thor, kahit ako maitim, makinis naman ito"habol ko ng pabiro sabay himas ko sa katawan ko
"Yabang mo", sabi ni Thor sabay hampas sa may puwetan ko
"Aray ko", namilipit ako sa sakit
"Bakit, ano ba yan Drek, napaano ka ?",nag-aalalang tanong niya sa akin
"Wala, tulog na tayo, hilo na rin ako"sagot ko sabay dapa sa kama niya na tanging brief lamang ang suot
Tumayo si Thor at pumasok sa banyo niya, ako naman ang nakatulog na sa tama ng alak na aming ininom.
"Drek,musta na, masakit pa ba ang puwet mo" tanong sa akin ni Thor na ikinagising ko at naramdaman kong hinihimas himas niya ang pisngi ng puwet ko na kanina ay tinapik niyang bigla na ikinamilipit ko sa sakit
"Ohh,Thor ok na ako,sige tulog na tayo" sagot ko
"Akala ko ba, wala tayong lihiman, akala ko ba, sabi mo, sasabihin natin ang lahat lahat sa isa't isa, bakit ngayon, wala yata akong alam ?" sabi uli niyang patanong
Napatagilid akong paharap sa kanya, tinignan ko siya, inaarok kung ano ang nasa isip niya,.
"Ok, sige sasabihin ko na, ipapakita ko naman ito sa iyo eh, naunahan mo lang ako, saka di pa magaling, nagpa-tattoo ako kanina, bininyagan ako ng mga bataan ni Greg" sabi ko
"Greg ??, yung sputnik, yung nakaaway mo minsan sa tambakan, nung mga bata pa tayo" sagot niya
"Oo, yun nga" sabi ko
"Sabi mo tattoo, anong binyag naman yan ?" painosenteng tanong niya
"Ganito yun, naalala mo pa ba si Amy yung kaklase natin sa High School, na binulong ko sa iyong balang araw liligawan ko, nakita ko uli siya noong isang buwan sa may karinderya na kinakainan namin sa may construction, serbidora siya doon, di na rin nag-aaral, pero alam mo,maganda pa rin siya, kaya buhat noong makita ko uli siya, niligawan ko na siya hanggang naging kami na, pero nitong isang linggo, hinarang ako nila Greg, at inalam sa akin ang totoo tungkol sa amin ni Amy, kaya umamin akong nobya ko na si Amy, di ko akalain kuya pala ni Amy si Greg, akala ko nga kursunada din niya" kuwento ko
Ganon ba" sabi niya
"Oo, tapos sinabihin ako ni Greg, wala daw problema sa kanya kung magnobyo kami ni Amy, basta kailangan lang daw na pabinyag ako sa grupo niya, dahil ang gusto daw niya kakosa niya ang nobyo ng kapatid niya, alam mo naman ako,walang inuurungan , kaya pumayag ako. pero sa isang kondisyon, magiging kakosa lang niya ako sa tatak, pero sa mga gawain nila, labas ako" kuwento ko uli
"Tapos, ano ang nangyari", tanong ni Thor
"Ayon, pumayag siya. kaya kanina bininyagan nila ako sa pamamagitan ng tattoo sa may pisngi ng puwet ko" pagtatapos ko
Natahimik si Thor, nakatitig sa akin, kita ko ang lungkot, ewan ko kung bakit,,,
"Hoy, bakit ganyan ka,? parang bigla kang nalungkot, may problema ba??", tanong ko
"Ha!, wala kasi di mo kinukuwento sa akin, may nobya ka na pala" sagot niya
"Sus, nagtampo ka pa, sasabihin ko din naman sa iyo eh, wala nga lang akong oras, kasi nga busy ka naman sa pag-aaral mo, ako naman kayod ng todo sa paghahalo ng semento sa construction" sabi ko sabay yakap sa kanya
Nagmamadaling kumalas si Thor sa pagkakayakap ko sa kanya at---
"Patingin nga ng tattoo mo" sabi niya
"Hindi pa makikitang mabuti yan, kanina lang naman itinatak yan sa akin, hindi pa maganda" sabi ko
"Kahit na, titignan ko lang" sabi uli niya
Dumapa ako at ibinaba ko ang suot kong brief para makita niya ang tattoo ko, sabay bukas niya ng ilaw .
"Naku Drek, namumula ng husto saka namamaga, lagot ka kay papa pag nalaman ito" sabi niya sabay himas sa may pisngi ng puwet ko
"Sasabihin mo,?, ikaw lang naman ang nakaka-alam ah" sagot ko
"Hindi, hehehehe"sabi niya sabay ngisngis
"Hmmmp, sarap niyang himas mo ah,nakakawala ng kirot" sabi ko
Nakatulugan ko na yung himas sa akin ni thor, nakaramdam ako siguro ng ginhawa, at sa hilo ko na rin dahil sa nainom namin, di ko na alam kung ilang minuto o oras ang himas na ginawa sa akin ni Thor, nagising na lang ako na maayos na ang aking brief, at wala na si Thor sa tabi ko---
Alas 10 na pala ng umaga, dali dali akong nagbihis at bumaba na ng bahay, inabutan ko si Thor na nagkakape sa may salas-
"O, gising ka na pala, kape ka muna", sabi niya
"Sige, timpla lang ako, tapos uwi na ako, tanghali na eh" sagot ko
itutuloy
No comments:
Post a Comment