Matuling lumipas ang mga araw at buwan, naging madalang na rin ang paglalakwatsa at pagkukuwentuhan naming dalawa ng kumpare ko, may mga gabi din na di ko siya nakikita sa may harapan ng kanilang bahay na halos gabi gabi naming ginagawa noon, naisip ko, na siguro talagang puspusan at tutok na siyang masyado sa kanyang pag-aaral.
Isang gabi ay matiyaga akong naghintay sa kanya sa may harapan ng bahay nila, naka-upo ako sa may bangketa na madalas naming tinatambayan habang nagkukuwentuhan lang.
"Hoy, ano ang ginagawa mo dyan? " tanong sa akin ni Thor na hindi ko namalayang nakatayo na pala sa may harapan ko
"Ha!, hinihintay kita, kwentuhan tayo" sagot ko
"Sandali ha, pasok lang ako ng bahay, tapos labas uli ako agad " sabi nya
"Kumain ka muna, hintay kita dito" sabi ko
"Nakakain na ako sa labas, magpapakita lang ako kina mama, labas ako agad, ok" sagot nya
Ilang minuto lang ang pinaghintay ko at nasa tabi ko na agad si Thor
"Musta na, isang taon na rin ang lumipas ah, di na tayo nakakapagkuwentuhan man lang, kahit nung bakasyon, sabi ni tita, nagsummer class ka rin, di mo yata nami-missed ang guwapo mong kaibigan eh" biro ko
"Luko loko, natural missed kita, kaso busy lang talaga ako sa pag-aaral ko, saka alam mo naman na ikaw lang ang kaibigan ko" sagot niya
"Ganon, eh bakit naman puspusan yatang masyado ang ginagawa mong pag-aaral" tanong ko
"Wala naman, gusto ko lang makatapos agad sa pag-aaral at ng makapagtrabaho na ako " sagot nya
"Opps, siguro may balak na kayo ni Dianne , ano? tanong kong biro, tumawa lang siya at parang walang narinig sa ginawa kong biro sa kanya
"Nga pala, kaya ako nandito, para ikuwento sa iyo na nagsasama na kami ni Amy, mga ilang buwan na rin, kasi medyo nakalimot kami ng todo , kaya nabuntis ko siya, yun nga malaki na ang tiyan, kaya humanda ka, magiging kumpare na kita, naunahan na kita. kaya di na puwede na maging kumpare mo ako sa magiging anak mo,,,, kasi masama daw yun hehehehehe" sabi ko
"Hoy!! hindi ka na kumibo diyan, di ka ba nasisiyahan para sa akin" tanong ko
"Masaya ako" sagot niya
"Bakit parang naluluha ka dyan, umiiyak ka ba? puna ko sa kanya
"Sira, (sabay yakap sa akin ng mahigpit) naluluha ako sa kaligayahan, kasi nakuha mo na ang isa sa mga pangarap mo" sabi niya habang nakayakap
"Salamat, basta kahit ano ang mangyari, wag mong kalilimutan, ikaw ang ninong, usapan natin yan" sabi ko
"Oo naman, hindi ko kalililmutan yon" sabi niya
Sabay tawa niya sa akin, kahit may luha pa siya sa kanyang mga mata, at alam ko naging masaya muli ang pagkikita namin ng bestfriend ko
Idad 19 ng maging isa akong ama, maligayang maligaya ako, at isang lalaki ang naging panganay ko, gaya ng usapan si Thor ang ninong ng panganay ko na si Diego, malusog na bata ang anak ko, at kamukhang kamukha ko, may dalawang dimple din at kakulay ko rin hehehehehe-
Makalipas ang isang taon, graduate na si Thor, agad din siyang nag.review para sa board exam,at suwerte din talaga siguro siya, kasi agad din siyang nakapasa at naging ganap ng engineer, ako naman, sa pangalawang pagkakataon at naging ama uli sa isang malusog na batang lalaki na ginawa kong Junior ko, maligaya ako sa naging buhay ko, kahit paminsan minsan ay kinakapos dahil sa hirap ng buhay, si Thor naman ay may sarili ng bahay sa may tabi rin ng bahay nila, dalawang palapag, na ang ilalim ay nagsilbing opisina niya, nga pala si Thor pa rin ang kinuha kong ninong ng Junior ko.
Limang taon din ang matuling lumipas, malalaki na rin ang mga anak ko, si Diego ay 5 taon na at si Jun naman ay 4 na taon na, masaya kaming nakakaraos, kahit laban ng husto sa hirap ng buhay, paminsan minsan, nakakalapit din ako sa kumpare ko, lalo na at nagigipit ako at minsan kasi wala akong kayod.
Isang araw, alas dose yun ng tanghali habang kumakain ako ng baon kong tanghalian, dumating ang bayaw kong si Greg, naaksidente daw ang nanay ko at si misis, mga tatlong taon na rin silang magkasama sa pagtitinda sa palengke.
itutuloy....
No comments:
Post a Comment