Pages

Wednesday, December 22, 2010

MUKHA NG BUHAY 8

Matuling lumipas ang mga araw at buwan, naging madalang na rin ang paglalakwatsa at pagkukuwentuhan naming dalawa ng kumpare ko, may mga gabi din na di ko siya nakikita sa may harapan ng kanilang bahay na halos gabi gabi naming ginagawa noon, naisip ko, na siguro talagang puspusan at tutok na siyang masyado sa kanyang pag-aaral.

Isang gabi ay matiyaga akong naghintay sa kanya sa may harapan ng bahay nila, naka-upo ako sa may bangketa na madalas naming tinatambayan habang nagkukuwentuhan lang.

"Hoy, ano ang ginagawa mo dyan? " tanong sa akin ni Thor na hindi ko namalayang nakatayo na pala sa may harapan ko

"Ha!,  hinihintay kita, kwentuhan tayo" sagot ko

"Sandali ha, pasok lang ako ng bahay, tapos labas uli ako agad " sabi nya

"Kumain ka muna, hintay kita dito" sabi ko

"Nakakain na ako sa labas, magpapakita lang ako kina mama, labas ako agad, ok" sagot nya

Ilang minuto lang ang pinaghintay ko at nasa tabi ko na agad si Thor

"Musta na, isang taon na rin ang lumipas ah, di na tayo nakakapagkuwentuhan man lang, kahit nung bakasyon, sabi ni tita, nagsummer class ka rin, di mo yata nami-missed ang guwapo mong kaibigan eh" biro ko

"Luko loko, natural missed kita, kaso busy lang talaga ako sa pag-aaral ko, saka alam mo naman na ikaw lang ang kaibigan ko" sagot niya

"Ganon, eh bakit naman puspusan yatang masyado ang ginagawa mong pag-aaral" tanong ko

"Wala naman, gusto ko lang makatapos agad sa pag-aaral at ng makapagtrabaho na ako " sagot nya

"Opps, siguro may balak na kayo ni Dianne , ano? tanong kong biro,  tumawa lang siya at parang walang narinig sa ginawa kong biro sa kanya

"Nga pala, kaya ako nandito, para ikuwento sa iyo na nagsasama na kami ni Amy, mga ilang buwan na rin, kasi medyo nakalimot kami ng todo , kaya nabuntis ko siya, yun nga malaki na ang tiyan, kaya humanda ka, magiging kumpare na kita, naunahan na kita. kaya di na  puwede na maging kumpare mo  ako sa magiging anak mo,,,, kasi masama daw yun hehehehehe" sabi ko

"Hoy!! hindi ka na kumibo diyan, di ka ba nasisiyahan para sa akin" tanong ko

"Masaya ako" sagot niya

"Bakit parang naluluha ka dyan, umiiyak ka ba? puna ko sa kanya

"Sira, (sabay yakap sa akin ng mahigpit) naluluha ako sa kaligayahan, kasi nakuha mo na ang isa sa mga pangarap mo" sabi niya habang nakayakap

"Salamat, basta kahit ano ang mangyari, wag mong kalilimutan, ikaw ang ninong, usapan natin yan" sabi ko

"Oo naman, hindi ko kalililmutan yon" sabi niya

Sabay tawa niya sa akin, kahit may luha pa siya sa kanyang mga mata, at alam ko naging masaya muli ang  pagkikita namin ng bestfriend ko

Idad 19 ng maging isa akong ama, maligayang maligaya ako, at isang lalaki ang naging panganay ko, gaya ng usapan si Thor ang ninong ng panganay ko na si Diego, malusog na bata ang anak ko, at kamukhang kamukha ko, may dalawang dimple din at kakulay ko rin hehehehehe-

Makalipas ang isang taon, graduate na si Thor, agad din siyang nag.review para sa board exam,at suwerte din talaga siguro siya, kasi agad din siyang nakapasa at naging ganap ng engineer, ako naman, sa pangalawang pagkakataon at naging ama uli sa isang malusog na batang lalaki na ginawa kong Junior ko, maligaya ako sa naging buhay ko, kahit paminsan minsan ay kinakapos dahil sa hirap ng buhay, si Thor naman ay may sarili ng bahay sa may tabi rin ng bahay nila, dalawang palapag, na ang  ilalim ay nagsilbing opisina niya, nga pala si Thor pa rin ang kinuha kong ninong ng Junior ko.

Limang taon din ang matuling lumipas, malalaki na rin ang mga anak ko, si Diego ay 5 taon na at si Jun naman ay 4 na taon na, masaya kaming nakakaraos, kahit laban ng husto sa hirap ng buhay, paminsan minsan, nakakalapit din ako sa kumpare ko, lalo na at nagigipit ako at minsan kasi wala akong kayod.

Isang araw, alas dose yun ng tanghali habang kumakain ako ng baon kong tanghalian, dumating ang bayaw kong si Greg, naaksidente daw ang  nanay ko at si misis,  mga tatlong taon na rin silang magkasama sa pagtitinda sa palengke.


 itutuloy....

Wednesday, December 1, 2010

MUKHA NG BUHAY 7

SA may kanto, kung saan naghihintay si Thor

"Halika na, himala yata at ikaw ang nagyaya ng inuman sa akin, dati rati, tumatanggi ka, at madalas mong sabihin, hindi puwede, bakit nga ba" tanong ko

"Wala lang, miss na kita, ganon,,,, ako ba di mo na mi-miss" tanong sagot sa akin ni Thor

"Hindi, bakit naman kita mami-miss " sagot kong nang-aasar

Di ko alam, kung bakit biglang parang nalungkot si Thor  sa biro ko,  dati rati naman na ganon kami kung magbiruan, kaya ako naman parang na-guilty, kaya inakbayan ko siya 

"Loko, syempre miss din kita, tara bili na tayo ng maiinom natin at pulutan" dugtong ko

"Wag na, mayroon na sa bahay, bago ako nagpunta sa may kanto para abangan ka, naihanda ko na lahat" sabi niya

"Ha, " gulat kong tanong

Di na niya ako sinagot at hinatak na niya ako papasok ng bakuran nila

"Asan sina tito at tita", tanong ko pagkapasok ng bahay nila

"Palagay mo , mayayaya kitang uminom dito, kung nandito sina mama at papa, eh di nasigawan ako ng mga yun,  umuwi sila ng probinsiya kaninang umaga, medyo may gulo daw sa mga partido ni papa" sagot niyang nakangiti

"Ok, simulan na natin, uy dami nating pulutan ahh" sabi ko habang naghahalungkat ng nakahain sa lamesa

"Sige umpisahan mo na yan Drek, akyat lang ako sandali sa kuwarto ko" sabi ni Thor

Umiinom na ako ng  beer, ng bumaba si Thor,lumapit sa may likuran ko, umakbay sa magkabila kong balikat 

"Happy birthday, igan, akala mo ba nakalimutan ko, inihanda ko ito, para talaga sa araw na ito"

"Salamat Thor, wala na akong masabi eh, baka mapa-iyak pa ako, kaya inom na lang tayo"sagot ko 

Umupo siya sa may harapan ko, sabay abot ng isang maliit na kahon na dinukot niya sa kanyang bulsa-

"Ano ito?" tanong ko

"Buksan mo, regalo ko sa iyo yan, loko inipon ko sa allowance ko ang binili ko dyan, kaya ingatan mo" sabi niya

"Ganon ba?,salamat ha" sagot ko habang binubuksan ko ang maliit na kahon

Isang bracelet na ginto ang laman nyon, at may pangalan ko pa sa may ilalim, naka-ukit ay DREK--- 18 , alam ko, papatak ang luha ko, kaya nagpaalam ako na iihi lang.

Sa banyo doon talaga pumatak ang luha ko, sa tanang buhay ko, ngayon lang ako nakatanggap ng ganong regalo, at mula pa yun sa matalik kong kaibigan, kaya sinabi ko sa sarili ko, iingatan ko ito,hinding hindi ito mawawala sa katawan ko kahit ano ang mangyari.

"Salamat ng marami, igan, hinding hindi ito mawawala, promise" sabi ko sa kanya sabay tapik sa balikat niya, sabay balik na sa upuan at tungga ng beer sa baso ko

"Drek, bakit, bagal mong lumakad ngayon?,saka para kang bagong tuli. hehehehehe" tanong sa akin ni Thor

"Lukoloko, wala ito, medyo nanganglay lang siguro ang mga binti ko, sa maghapong trabaho" sagot ko

Kung anu-ano na ang aming mga napag-usapan habang nag-iinuman, para kaming bumalik uli sa aming kabataan, masaya kami, kaya nawili sa inuman at nakarami ng inom, di na rin namin namalayan na hatinggabi na pala, kaya doon na ako pinatulog ni Thor at baka ma-curfew daw ako.

Naka-akbay ako kay Thor habang paakyat kami ng hagdan, papunta sa silid niya, tuloy pa rin  ang tawanan namin at kuwentuhan. Pagpasok namin sa silid niya, umupo lang siya sa kama niya, ako naman ay nag-alis na ng aking damit sa harapan niya, sanay na naman kami sa isa't isa, kaya walang malisya na maghubad sa harapan niya at siya din ay naghubad na ng kanyang damit, hanggang sa nakita ko siyang nakatingin lang sa akin, kaya--

"Ano ang tinitignan mo", tanong ko

"Wala, lumaki lang lalo ang katawan mo, lobo na ngayon ang dibdib mo, saka dami mo na ring pandesal sa tiyan pero lalo kang umitim, hehehehe" sagot niya sabay tawa

"Sira, alam mong bilad ako lagi sa araw, natural iitim ako ng todo" sabi ko sabay hubad ng pantalon ko

"Pero alam mo Thor, kahit ako maitim, makinis naman ito"habol ko ng pabiro sabay himas ko sa katawan ko

"Yabang mo", sabi ni Thor sabay hampas sa may puwetan ko

"Aray ko", namilipit ako sa sakit

"Bakit, ano ba yan Drek, napaano ka ?",nag-aalalang tanong niya sa akin

"Wala, tulog na tayo, hilo na rin ako"sagot ko sabay dapa sa kama niya na tanging brief lamang ang suot

Tumayo si Thor at pumasok sa banyo niya, ako naman ang nakatulog na sa tama ng alak na aming ininom.

"Drek,musta na, masakit pa ba ang puwet mo" tanong sa akin ni Thor na ikinagising ko at naramdaman kong hinihimas himas niya ang pisngi ng puwet ko na kanina ay tinapik niyang bigla na ikinamilipit ko sa sakit

"Ohh,Thor ok na ako,sige tulog na tayo" sagot ko

"Akala ko ba, wala tayong lihiman, akala ko ba, sabi mo, sasabihin natin ang lahat lahat sa isa't isa, bakit ngayon, wala yata akong alam ?" sabi uli niyang patanong

Napatagilid akong paharap sa kanya, tinignan ko siya, inaarok kung ano ang nasa isip niya,.

"Ok, sige sasabihin ko na, ipapakita ko naman ito sa iyo eh, naunahan mo lang ako, saka di pa magaling, nagpa-tattoo ako kanina, bininyagan ako ng mga bataan ni Greg" sabi ko

"Greg ??, yung sputnik, yung nakaaway mo minsan sa tambakan, nung mga bata pa tayo" sagot niya

"Oo, yun nga" sabi ko

"Sabi mo tattoo, anong binyag naman yan ?" painosenteng tanong niya

"Ganito yun, naalala mo pa ba si Amy yung kaklase natin sa High School, na binulong ko sa iyong balang araw liligawan ko, nakita ko uli siya noong isang buwan sa may karinderya na kinakainan namin sa may construction, serbidora siya doon, di na rin nag-aaral, pero alam mo,maganda pa rin siya, kaya buhat noong makita ko uli siya, niligawan ko na siya hanggang naging kami na, pero nitong isang linggo, hinarang ako nila Greg, at inalam sa akin ang totoo  tungkol sa amin ni Amy, kaya umamin akong nobya ko na si Amy, di ko akalain kuya pala ni Amy si Greg, akala ko nga kursunada din niya" kuwento ko

Ganon ba" sabi niya

"Oo, tapos sinabihin ako ni Greg, wala daw problema sa kanya kung magnobyo kami ni Amy, basta kailangan lang daw na pabinyag ako sa grupo niya, dahil ang gusto daw niya kakosa niya ang nobyo ng kapatid niya, alam mo naman ako,walang inuurungan , kaya pumayag ako. pero sa isang kondisyon, magiging kakosa lang niya ako sa tatak, pero sa mga gawain nila, labas ako" kuwento ko uli

"Tapos, ano ang nangyari", tanong ni Thor

"Ayon, pumayag siya. kaya kanina bininyagan nila ako sa pamamagitan ng tattoo sa may pisngi ng puwet ko" pagtatapos ko

Natahimik si Thor, nakatitig sa akin, kita ko ang lungkot, ewan ko kung bakit,,,

"Hoy, bakit ganyan ka,? parang bigla kang nalungkot, may problema ba??", tanong ko

"Ha!, wala kasi di mo kinukuwento sa akin, may nobya ka na pala" sagot niya

"Sus, nagtampo ka pa, sasabihin ko din naman sa iyo eh, wala nga lang akong oras, kasi nga busy ka naman sa pag-aaral mo, ako naman kayod ng todo sa paghahalo ng semento sa construction" sabi ko sabay yakap sa kanya

Nagmamadaling kumalas si Thor sa pagkakayakap ko sa kanya at---

"Patingin nga ng tattoo mo" sabi niya

"Hindi pa makikitang mabuti yan, kanina lang naman itinatak yan sa akin, hindi pa maganda" sabi ko

"Kahit na, titignan ko lang" sabi uli niya

Dumapa ako at ibinaba ko ang suot kong brief para makita niya ang tattoo ko, sabay bukas niya ng ilaw .

"Naku Drek, namumula ng husto saka namamaga, lagot ka kay papa pag nalaman ito" sabi niya sabay himas sa may pisngi ng puwet ko

"Sasabihin mo,?, ikaw lang naman ang nakaka-alam ah" sagot ko

"Hindi,  hehehehe"sabi niya sabay ngisngis

"Hmmmp,  sarap niyang himas mo ah,nakakawala ng kirot" sabi ko

Nakatulugan ko na yung himas sa akin ni thor, nakaramdam ako siguro ng ginhawa, at sa hilo ko na rin  dahil sa nainom namin, di ko na alam kung ilang minuto o oras ang himas na ginawa sa akin ni Thor, nagising na lang ako na  maayos na ang  aking brief, at wala na si Thor sa tabi ko---

Alas 10 na pala ng umaga, dali dali akong nagbihis at bumaba na ng bahay, inabutan ko si Thor na nagkakape sa may salas-

"O, gising ka na pala, kape ka muna", sabi niya

"Sige, timpla lang ako, tapos uwi na ako, tanghali na eh" sagot ko


itutuloy

MUKHA NG BUHAY 6

Recess noon, kasalukuyan akong nagpapalipas ng oras sa may tumbang puno ng mangga, malapit sa may likod ng paaralan, ng may nakita akong isang bata, papalapit sa may puwesto ko...

"Hoy bata, ano ang ginagawa mo dyan, bakit di ka kumakain,?, di ba recess ngayon" tanong niya sa akin, sabay upo sa may tabi ko

"Gusto mo?," tanong uli niya, sabay abot ng isang tinapay sa akin

"Sige salamat, busog pa naman ako, eh" sabi ko

"Ok lang, marami naman itong dala kong baon, hinanda kasi ito sa akin ng mommy ko" sabi niya

"Kaya pala ang taba mo, alam kasi ng mommy mo, malakas kang kumain" sabi kong nakatawa sa kanya

"Hindi ah,  kunin mo na itong isang tinapay, wag ka ng mahiya. Ako nga pala si Nestor Bondoc, kaklase tayo, nakita kita kanina, nakaupo sa may dulo, ikaw ano ang pangalan mo?", sabi niya at sabay abot uli sa akin ng isang tinapay, kaya kinuha ko na rin, kasi medyo gutom na rin ako, saka mukhang masarap,,, hehehehehehe, pero sa isip ko lang yun sinabi

"Ako naman si Alexander Valenzuela, tawag sa akin ng nanay ko at mga kapitbahay Drek, salamat ha, ano nga pala ang palayaw mo" sagot ko sa kanya, habang kumakain ako ng tinapay na bigay niya

"Thor ang tawag nila sa akin" sagot niya

Tahimik lang akong kumakain, nilalasahan kong mabuti ang sarap ng tinapay niyang bigay sa akin, at si Thor naman ang panay ang tingin sa akin, habang kumakain ng mga baon niya.

"Bakit naka-tsinelas ka?, di ba dapat naka-sapatos ka sa school? tanong niya

"Ano???, bakit masama bang pumasok ng nakatsinelas?, kung wala akong sapatos, hindi ba ako puwedeng mag-aral" balik tanong ko sa kanya

"Ewan, wag na nga nating pag-usapan yan, eto ang juice , inom ka" sabi niya

"Salamat na lang, sa gripo na lang ako iinom mamaya " sagot ko sa kanya


Iyon ang simula ng pagiging magkaibigan namin ni Thor, buhat noon lagi na kaming magkasama,

---------Ahh... Si Thor ay aking  kababata, kaibigang matalik at para na rin kaming  magkapatid, pareho kaming sinilang , lumaki at nagka-isip sa Makati, pero doon kami sa isang mukha ng Makati, ang mga bahay  namin ay yung nakatirik sa may gilid ng Ilog Pasig... samantalang sina Thor ay medyo angat sa buhay, maganda ang bahay nila, na nakatayo sa may labasan papasok sa may lugar namin, samantalang ang  lugar namin ay squatter, ang nakakatuwa lang, mababait din ang mga magulang niya, kasi di nila ako pinagbabawalan na pumunta sa kanila, at di rin nila pinagbabawalan si Thor na maging kaibigan ako.  Ang ama ni Thor ay isang kapitan sa Pulisya ng Makati, at ang ina naman niya ay sa bangko nagtatrabaho, nag-iisa siyang anak.

Ako naman si Drek, anak sa pagka-dalaga ng nanay ko,  ang nanay ko ay isang labandera sa mga mayayaman ,kaya nang ako ay sampung taong gulang pa lamang ay natuto na akong maghanap-buhay, nagtutulak na ako ng kariton ng basura, tuwing madaling araw  ay nakikipag-agawan na ako  sa mga kapwa ko basurero, sa basurahan, sa paghahanap ng mga bagay na mapapakinabangan, nagtinda rin ako ng sigarilyo sa gitna ng mga daan at sa gabi naman ay  nag-iigib ako ng tubig para  sa ilang kapitbahay namin kapalit ng konting barya.

Sabi ng marami, basagulero daw ako, pero alam ko sa sarili ko na hindi naman eh, lumaki lang ako sa ugaling hindi marunong umiwas sa hamon ng buhay, gaya rin ng hindi ko ugali na umiwas sa hamon ng away, kahit malaki o matanda ka pa sa akin,hindi kita uurungan, lalo na at alam kong nasa tama ako at nasa katuwiran.

Ganyan ang naging takbo ng buhay ko, naming dalawa ni Thor , hanggang sa aming pagtatapos  ng High School.

"Drek, ang kukunin kong kurso sa College ay Electrical Engineering,  aprub nga kay mama, kaso  sa papa ko, alangan eh, kasi alam mo naman na gusto non na maging pulis din ako, pero ayaw ko naman non" sabi sa akin ni Thor

 "Ikaw, ano ang balak mong kunin" habol tanong niya sa akin

Isang gabi yun, habang naka-upo kami sa may bangketa sa harapan ng bahay nila, tahimik lang ako habang naninigarilyo , naririnig ko siya at naiintindihan pero wala akong ganang sagutin siya, napuna niya yata yun, kaya....

"Hoy, naririnig mo ba, parang wala akong kasama dito" sabi niya sabay siko sa tagiliran ko

"Oo, saka ok para sa iyo ang kursong yon, bagay sa iyo ang maging Engineer" sagot ko

"Ano ang kukunin mo" ulit niya

"Wala, di na ako mag-aaral,tama na yung High School", sagot ko sabay pitik ng sigarlyo ko

"Ha, bakit ??"

"Tinatanong pa ba yan, alam na alam mo naman ang dahilan, dapat ko pa bang sabihin sa iyo, na wala kaming pera at kayo mayroon, magkaiba tayo ng buhay Thor, mula pa pagkabata natin, kitang kita ko at alam mo na hindi tayo pareho ng antas ng buhay ",medyo galit kong sagot sa kanya

"Sorry, hindi ako galit sa iyo, galit lang ako sa buhay naming ganito, sa Lunes nga pala sasama na ako sa construction, maghahalo ng semento, ok na yun, para makatulong din sa  nanay ko, para sa buhay naming mag-ina. Sige alis na ako,mag-iigib pa ako ng tubig para sa mga kapitbahay, sayang din yun" sabi ko  sa kanya,sabay tayo sa pagkaka-upo ko sa bangketa

"Drek.. iiingat"., habol ni Thor

Lumipas ang mga araw at buwan, na di kami nagkita o nagka-usap man lang ni Thor, alam ko busy na siya sa pag-aaral niya sa college, at ako naman ay naging abala na sa aking bagong buhay, paghahalo ng semento sa construction, iyan ang naging buhay ko, mula ng tumigil ako sa aking pag-aaral

Sabado ng gabi, birthday ko yun alam ko, pauwi ako sa may amin, galing ng trabaho, namataan ko si Thor sa may kanto , kung saan ang nag-iisang daanan namin mga taga-looban, papasok sa paraiso ng mga squatters-

"Hoy,Thor musta, ano ang ginagawa mo dyan" tanong ko

"Ayos lang ako, ikaw musta ka na, hintay nga kita eh, tagal na kasi nating di nakakapag.usap at nagkakasama" sagot ni Thor

"Pasensiya na, wala na akong oras lagi eh, alam mo,   kailangang kumayod ng husto,   lalo na ngayon di na puwedeng mag-trabaho si nanay, medyo tinamaan sa baga eh, kaya eto tuwing dating ng bahay pahinga na lang, pagod lagi eh" sabi ko

"Ganon ba, sige mukhang pagod ka nga, pahinga ka na" sabi ni Thor, na parang medyo nalungkot

"Sandali, bakit ba?,may kailangan ka ba sa akin o may sasabihin ka", sagot kong nang-aarok

"Wala naman, sa tagal na kasi nating di nagkikita, yayain sana kitang inuman sa bahay, kasi Sabado naman ngayon, walang eskuwela bukas at alam ko libre ka rin" sabi niya

"Ahh, ok sige" sabi kong nag-iisip

"Hintay mo lang ako dito, uuwi lang ako, palit lang ng damit,,, sandali lang" sagot ko sabay kindat

Nakangiting tumango si Thor, kaya nagmamadali din akong umuwi agad sa bahay, nagpalit ng damit, at nagpaalam kaya nanay

"Nay kina Thor lang kami, inuman ng konti, eto nga pala ang pera" sabi ko sabay abot ng pera

"Kumain ka muna, nagpansit ako ng konti kasi nga birthday mo" sabi ni nanay

"Wag na nay, medyo busog pa naman ako eh"

"O' siya, wag iinom ng sobra, at wag magpapa-gabi ng todo, alam mo na ang mga gago dyan sa looban"

"Nay naman, ngayon pa bang malaki na ako, isa pa kilala ko ng lahat yang mga yan at walang mangyayaring masama sa akin dito, at di ko sila uurungan" sabi ko

"Hus, umiral na naman yang kayabangan mo, tumigil ka na ngang bata ka sa mga gulo at kung maaari naman, matuto kang umiwas" sabi uli ni nanay

"Oho, sige na , alis na ako nay" sabi ko sabay labas ng bahay namin


itutuloy

Monday, November 8, 2010

MUKHA NG BUHAY 5

"Sino ba yan?, gabi na nangangapit-bahay pa", isip ko at nagmadali akong nagpantalon , hubad barong sinundan ko ang panganay ko sa may pinto

 Blaagg
"Arrggh", bigla dumapo sa aking mukha ang suntok, sa lakas ng suntok muntik na akong sumubsob sa may sahig namin.

"Putang ina...." sabay amba ko rin ng suntok, para gumanti, laking gulat ko ng makilala kung sino ito.

"Tito Al, kayo pala. Ano ang kasalanan ko sa inyo?", nalilitong tanong ko kay Tito Al, ama ni Thor, sabay pahid ng dugo na tumulo sa may gilid ng bibig ko.

"Sumama ka sa akin sa presinto", sabi niya na masama ang tingin sa akin

"Sandali, ano nga ang ginawa ko?, gusto kong malaman", sabi ko

"Halika na sa presinto", ulit niyang pasigaw

"Ok,ok", taas kamay kong sagot, sabay kuha  sa t-shirt  kong nakasabit sa sandalan ng silya

"Aling Fely, aling Fely", sigaw ko

"O, bakit?",sagot ni aling Fely,nakadungaw sa may bintana nila

"Puwede po bang dito muna kayo sa bahay, kasama ng mga bata, baka ho hindi ako maka-uwi magdamag", sagot ko

"Sige, pupunta na ako agad dyan" sagot niya

"Salamat po", sagot ko

Nagpaalam ako sa mga bata at ng dumating si aling Fely ay umalis na kami ni Tito Al, papunta sa presinto. Sakay kami ng owner-type jeeep ni Tito Al ng magtanong uli ako...

"Ano ho ba talaga ang nangyari at ano ang kasalanan ko, Tito"

"Mamaya, pagdating natin sa presinto at ako ang magtatanong , hindi ikaw", tiim ang bagang na sagot sa akin

Wala na akong nagawa pa, kaya tumahimik na lang ako at nakikiramdam. Gulo ang isip ko at ramdam ko na rin ang kirot ng parteng nasuntok sa akin. Dumating kami sa presinto ng walang imikan.

"Upo ka", sabing pa-utos sa akin ni Tito, pagpasok namin sa opisina niya

Umupo akong nalilito, walang maisip kung bakit ako nandoon at bakit ganito ang trato niya sa akin

"Bakit mo sinaksak si Nestor", madiing tanong niya sa akin

"Po ... ?, hindi ko magagawa yun kay Thor", gulat kong sagot sa kanya, sabay tayo sa pagkaka-upo ko

"Umupo ka", sigaw niya sa akin

"Tito, alam na alam po ninyo kung gaano ang pagiging magkaibigan namin ni Thor, mula pa ng mga bata kami, ako ang madalas na sumasalo ng mga suntok na para sa kanya, kapag napapa-away kami, dahil ayaw ko siyang masasaktan, kaya imposible yang ibinibintang ninyo sa akin", sabi kong shock pa rin sa nalaman kong may sumaksak kay Thor

"Bakit napunta itong papel na ito sa kuwarto ni Nestor", sabi niya, sabay abot sa akin ng papel de ahensiya

"Binigay ko pa iyan sa kanya kaninang hapon", sabi ko

"Pangalan mo yan, kaya bakit mo binigay sa kanya?. Sabi ni Inday narinig din daw niya na minumura mo si Nestor, sumisigaw ka rin daw sa loob ng kuwarto niya", sabi niya

"EHH, ehh", di ko malaman kung ipagtatapat ko ang totoo, naguguluhan ako, kaya wala na akong masabi, kaya...

"Kamusta po siya, ano na pa ang lagay niya ngayon?, ligtas na po ba siya" sunod sunod kong tanong kay Tito Al

"Boogg"- lagabog ang mesa niya

"Gago ka Drek, ah, ako ang nagtatanong sa iyo, kung ano yang isinisingit mo, nasa malubha siyang kalagayan, kaya ikaw ang tinatanong ko", galit na sabi niya sa akin

"Hepe, nasa line 1 ang misis mo, kailangan ka daw maka-usap, importante! ", sabi ng isang pulis na nasa may bungad ng pinto ng opisina ni Tito Al

"Sarhento, ikaw na ang bahala dito, aalis na ako" narinig kong bilin ni Tito Al sa isang pulis

Ang bilis ng mga kilos niya,  hindi na ako nakapagtanong sa kanya kung saan siya pupunta, balak ko sanang sumama sa kanya kung sakaling sa hospital ang tungo niya.  Hindi ko na rin napakinggan ang iba niyang sinabi kay Sarhento, kaya para akong iniwan sa ere, hindi ko alam kung  ano ang mga nangyayari at kung ano ang gagawin ko dito sa presinto.

"Sir, maninigarilyo lang po ako sa may labas " paalam ko kay Sarhento, pagkaraan ng ilang minutong katahimikan at pagka-inip ko na rin sa sitwasyon

"Sige lang, at siyanga pala bata, pagkatapos mong manigarilyo bumalik ka agad dito at may mga sasabihin ako sa iyo, ano nga pala ang pangalan mo?", sabi sa akin ni Sarhento

"Drek po sir, at salamat po" sagot ko at sabay labas na upang makapag-sigarilyo naman ako

Ipinaliwanag sa akin ni Sarhento na kailangan daw akong manatili doon,hanggang walang linaw ang nangyari kay Thor, dahil ako daw ang pangunahing suspect . Dinala niya ako sa isang seldang bakante at doon niya ako pinatutulog at hintayin na lang daw namin ang pagbalik ni Tito Al.

"Magpahinga ka na dyan Drek, sabihin na lang muna natin na nabagansiya ikaw at kailangan mong magpalipas ng magdamag dito sa presinto" maayos na paliwanag sa akin ni Sarhento

"Salamat po Sarge" sabi ko

Sa loob ng kulungan ay di ko malaman kung ano ang gagawin ko, di ako dalawin ng antok, litung-lito ako, parang napakabilis ng mga pangyayari, kaninang hapon lang, sinugod ko si Thor, ngayon eto ako at naka- kulong.

"Tang ina mo, Thor, sa lahat ba ng mga nangyayari sa iyo, kailangang nakadikit ang pangalan ko???,  dapat kang mabuhay gago ka, ayaw kong mabulok dito sa salang hindi ako ang gumawa" isip kong nakahiga sa papag

"Puta!!," sabay balikwas ko sa higaan

Naisip kong bigla, na puwedeng walang ibang tao na sumaksak sa kanya, posible kasing siya mismo ang gumawa non, at baka ginawa niya yung huli kong salita na binitawan sa kanya, MAGPAKAMATAY KA!!

 "Gago ka Thor, kung sakaling totoo ito, mas dapat kang mabuhay,lumaban ka, wag mong sayangin ang ganda ng kinabukasan mo ng dahil lang sa katulad ko. Di ako karapat dapat sa pagmamahal mo, kaya dapat kang mabuhay , isa pa,hindi ko alam kung ano ang sasabihin ko sa mga magulang mo, hindi ko alam kung dapat ba nilang malaman kung ano ang nangyari sa atin. Wag kang susuko Thor, lumaban ka" usal kong taimtim, di ko rin alam kung bakit tumulo ang luha ko.


itutuloy

Monday, November 1, 2010

MUKHA NG BUHAY 4

Isang hapon,araw ng Linggo. Mahigit pitong buwan na rin ang nakakalipas buhat ng may nangyari sa amin ng gago kong kumpare. Galing ako sa paglalaro ng basketbal sa may plaza, kasama ang mga katropa ko. Narinig ko na nagkakasiyahan ang dalawa kong anak, kaya sumilip ako sa may pinto, nakita kong kumakain ng chocolates yung dalawa at maraming mga nakakalat na supot.

"Ano yan, saan galing ang mga chocolates na yan" tanong ko sa dalawa

"Dinala po ni ninong, mga pasalubong daw niya ito para sa amin" sagot ni Jun yung bunso ko

"Ang dami nga tay, tapos may mga laruan pa kami at damit" tuwang sagot sa akin ng panganay kong si Diego

"Heto nga pala itay, may para daw sa iyo, pinabibigay ni ninong" sabi ni Jun sabay abot ng isang supot sa akin

Kunot ang noo na inabot ko ang supot, na may laman na mga briefs, sapatos na adidas, pantalon at t-shirt

"Gago talaga yun ah" sa isip ko lang at dali dali akong lumabas ng bahay, bitbit ang supot

Sumilip ako sa may gate ng bahay ni Thor, nakita kong nagdidilig ng halaman ang katulong niya

"Inday, ang amo mo?" tanong ko sa kanya

"Kuya, ikaw pala, pasok ka, nasa itaas si kuya, nagpapahinga yata, kagagaling lang kasi ng mga mama niya dito kanina" sabi sa akin ni Inday

Pumasok ako ng bahay at umakyat sa kuwarto ng kumapare ko, di na ako kumatok, tuloy tuloy akong pumasok sa kuwarto niya at nakita kong nabigla si gago

"Pare, musta ka na" sabi sa akin ng nakangiti

Ihinagis ko sa harapan niya yung supot na pasalubong niya sa akin at---

"Hindi mo ba talaga kami titigilan, ano?, ibabaon mo na naman ba ako sa utang sa iyo?, at ano ang kabayaran, katawan ko, uten ko, heto ba ang kailangan mo? tuloy tuloy kong sabi, sabay hubad ng short kong pang basket ball at sando

"Heto, pagsawaan mo, susuhin mo, bayad doon sa mga bigay mo sa mga bata ngayon" sabi ko

Nakatitig lang sa akin si Thor, umiiling

"Wag ka ng magpakipot, ito naman ang gusto mo di ba?, bakla ka, ang tagal mo akong nalinlang, pinagpiyestahan mo ng husto ang katawan ko, buhat pa ng mga bata tayo, buong akala ko, pareho tayo, kaya wala akong malisya na laging nakaburles sa harapan mo, yun pala sa tuwi akong nakahubad sa harapan mo pinagnanasahan mo ang katawan ko, ngayon heto pagsawaan mo" tuloy tuloy kong sabi sa kanya

"Nagkakamali ka pare, nagawa ko yun sa iyo dahil mahal kita" sagot ni Thor

"Tang ina mo, ayaw ko ng mga paliwanag mo, at wag na nating pahabain pa ito, susuhin mo na uten ko, yan naman ang gusto mo, ng matapos na" sagot ko

"Patawarin mo na ako pare", sabi ni Thor sabay lapit sa akin

"Gago, di kita kayang patawarin" sagot ko sabay hawak ng padiin sa mga balikat niya upang mapaluhod siya sa harapan ko

"Tapusin mo na ito, yan naman ang gusto mong kabayaran di ba?, kaya gawin mo"
sabi ko

"Nagmamakaawa ako sa iyo pare, patawarin mo na ako, hirap na hirap na ako, di ko kayang mawala ka sa akin, please nagawa ko lang iyon sa iyo, dahil sa laki ng pagmamahal ko sa iyo" sabi ni Thor na tumutulo ang mga luha, na nakayakap sa mga hita ko

"Tang ina mo, yang sinasabi mong pagmamahal kagaguhan yan, ibang klase ka, at hinding hindi kita mapapatawad, ngayon simulan mo na" sabi ko

Nanatili lang siyang nakayakap sa aking mga hita, nakasubsob ang mga mukha sa pagkalalaki ko, tuloy ang iyak

"Sabihin mo sa akin pare, gagawin ko ang lahat patawarin mo lang ako, wag ka lang mawala sa akin, lahat lahat gagawin ko,,, parang awa mo na pare, sabihin mo" sabi ni Thor

Ikinilos ko ang tuhod ko, sabay sikad ng konti, sanhi para makabitiw siya sa pagkakayakap sa akin at napasubsob sa sahig, nagbihis na ako ng aking mga damit

"Tandaan mo ito pare, ito na ang huli na pakiki-alam mo pa sa mga anak ko, ayaw ko makita ang pagmumukha mo, nasusuka ako" sabi ko sa kanya pagkabihis ko

"Pare please, wag mo namang gawin sa akin ito, hirap na ako" sabi ni Thor sabay yakap sa akin

Tinitigan ko lang siya sabay hawi ng mga kamay, para makakalas ako sa pagkakayap niya sa akin, kinuha ko ang pitaka ko at

"Nga pala, ito yung papel di ahensiya ng bracelet na binigay mo sa akin, ikaw na ang tumubos, wala akong pera, sinosoli ko na sa iyo yan" sabi ko sa kanya

"Pare, lahat gagawin ko, patawarin mo lang ako, please sabihin mo" umiiyak pa rin na sabi niya sa akin

"Ganon ba, sige pakamatay ka, patatawarin kita" sabi ko ng nakangisi sa harapan niya sabay talikod, palabas ng kuwarto niya

"Mahal kita pare, mahal na mahal kita" narinig kong sinasabi niya sa akin

Tok tok tok

"Diego, tignan mo kung sino yun"utos ko sa panganay ko


itutuloy

Saturday, October 16, 2010

MUKHA NG BUHAY 3

"WHOOOO, tang inang buhay ito, ang gulo, hirap isipin", sabi ko sa sarili ko

Hindi ko alam kung bakit ko hinayaang mangyari yun sa aming dalawa ng kumpare ko at kung bakit ko nagustuhan, mga tanong na wala akong alam isagot. Wala akong kaalam- alam na bakla pala si Thor, bakit nagkaganoon, wala naman akong nakikitang kinikilos niyang kaiba. Hindi naman puwedeng mangyari na magkagusto ako sa kanya, imposible yun,siguro ayaw ko lang na ipahiya siya.

Mahal ko siya, alam ko yon,pero bilang kaibigan lang, matalik na kaibigan, madalas ko pa nga siyang halikan sa pisngi niya, pero walang malisya yun, para sa akin. Kasangga ko siya sa lahat ng bagay.

Marahil.hindi ko magawang tadyakan o suntukin siya sa nangyari, bilang pagtanaw ng utang na loob sa kanya, marami na rin siyang naitulong sa akin at sa aming mag-aama, kahit ng buhay pa ang misis ko.siya rin ang naging takbuhan ko, lalo na sa mga pambili ng gamot na kailangan ni misis noong kasalukuyang lumalaban kami sa sakit niya, hanggang sa mga naging gastusin ko ng mamatay si misis.

Mabait si Thor, alam ko yan, buhat pa ng mga bata kami hanggang ngayon, nandyan siya para sa aming mag-aama, wala akong nakitang bahid ng kasamaan sa kanya, kaya marahil hindi ako nakatutol sa mga nangyari, dahil sa mga naitulong niya sa akin, siguro nga, pagtanaw ko lang ito ng utang na loob, kaya pinabayaan ko siya.

"Pero binaboy niya ako eh, tang ina niya" usal ko at buntung hininga

Sabay tayo ko at---

"Ahhhhhhhhhhhhh" sigaw ko

BLAAAG BLAG ... suntok ko sa may dingding ng bahay ko sa may gilid ng bintana, wasak ang dinding ko, wala na akong magawa eh, kaya doon ko na lang ibinuhos ang sama ng loob ko, ang galit ko-

"Tay, si ninong nandiyan sa labas hinahanap ka" patakbong sabi ng anak kong panganay, na biglang sumulpot sa may likuran ko

"Sabihin mo, ayaw ko siyang makita o maka-usap" sabi ko

"Ba..bakit po" tanong ng panganay ko

"Wala ng tanong tanong, sabihin mo" sagot kong pasigaw na

Sabay pasok ni Thor, ang kumpare kong gago, nakatingin sa akin, kita ko sa mga mata niya ang nangingilid niyang luha. Matalim naman ang tingin ko sa kanya, tikom ang mga kamao ko sa galit, gusto ko siyang suntukin ng suntukin, pero parang namamanhid ang kanan kong kamay.

"Tay dugo, may dugo ang kamay mo" sigaw ng panganay ko

Akmang lalapit naman si Thor sa akin, marahil titignan ang sugat ko sa kamay;

"Hanggang dyan ka lang, sa mukha mo tatama ito" sigaw ko na nakaamba ng suntok ang kamay kong nagdudugo

"Pare yang kamay mo" nakikiusap na sabi niya

"Umalis ka na, puwede ba?, at wag na wag mo akong kakausapin. Sa susunod na masalubong mo ako sa daan, umiwas ka na lang, dahil nasisiguro ko sa iyo , hindi ko na mapipigilan pa ang sarili ko, tatama na sa mukha mo ang mga suntok ko" sabi kong nanggigil

Nakatingin lang siya sa akin,nanatiling nakatayo sa puwesto niya, sa may bungad ng barung barong ko, nakiki-usap ang tingin sa akin, kaya...

"Umalis ka na" bulyaw ko sa kanya

Natatarantang hinatak siya sa kamay ng panganay kong anak, palabas ng bahay at palayo sa akin.



itutuloy

Wednesday, October 13, 2010

MUKHA NG BUHAY 2

"Tang...a, wala nga pala kaming tubig, di ako nakapag-igib kagabi",usal ko , kaya naghubad na lang ako ng damit ko at pantalon at naglinis ng konti ng katawan para makaramdam naman ng ginhawa-

Habang nagkakape ako at naninigarilyo ay di pa rin mawala sa isip ko ang nangyari sa aming dalawa ng kumpare ko kagabi, paano nga bang nangyari yun?, at bakit nangyari yun sa amin?, ang gulo, nakakalito

Tanda ko, naka-inom na ako ng konti sa inuman kagabi dyan sa labasan eh, naka-ilang tagay din ako sa umpukan, bago ako nagpa-alam dahil ang talaga namang sadya kong yayain si Pareng Thor ng inuman, tutal linggo naman bukas, at para na rin makipagkuwentuhan,kaya pagdating ko sa bahay ni kumapara ay...

"Oh pare musta, malagihay ka na yata ah?" tanong ni Thor

"Konti lang 'pre naka-ilang ikot lang ng baso dyan sa labasan, di rin naman puwedeng tanggihan ang tropa, gin-kalamansi nga ang binabanatan don, tapos punta nga ako dito, para yayain ka sana ng inom", sabi ko sabay diretso sa may ref, alam ko naman na laging may beer doon

"Baka masobrahan ka naman nyan pare, hinay-hinay lang, wag naman sanang laging nag-iinom ng alak, masama din ang sobra, alalahanin mo nandiyan pa ang mga anak mo"sabi ni Thor sabay upo sa may harapan ko hawak ang bote ng beer niya

"Ang mga bata, nakakain na ba sila ng hapunan" tanong sa akin ni Thor

"Oo naman, bago ako lumabas ng bahay, kumain na kami ng hapunan, saka nasa tulugan na sila ng umalis ako, ikaw naman talaga ang sadya ko,medyo naharang nga lang ako ng tropa" sagot ko

Tuloy ang pag-inom namin ng beer, wala ni isa sa amin ang gustong magsalita, inom lang... ng mahagip ng tingin ko si Thor, titig na titig siya sa akin, kaya

"Pare ano ang nakikita mo sa mukha ko?, kanina ko pa napapansin ang mga titig mo sa akin ah, ano ba ang ibig sabihin nyan??, nababakla ka na ba sa akin?,ayaw ko ng ganyan, pare" sabi ko

"Ulol, naiisip ko lang,pare walang mangyayari sa madalas mong pag-inom ng alak, ibuhos mo na lang sa mga anak mo, para malibang ka, matagal nang patay si mare, mag-iisang taon na, kaya dapat kayanin mo na, isipin mo na lang na nasa mabuti na siyang kalagayan doon, ang importante maitaguyod mo ng maganda ang mga bata" sabing payo sa akin ni Thor

"Salamat pare, kinakaya ko naman eh, saka mula't sapol naman alam mong mahilig talaga ako sa alak, pero di naman ako sumosobra, lalo na sa mga gabing alam kong may pasok kinabukasan, pero ngayon pare, ok lang na makarami, wala namang trabaho bukas, ikaw naman ang kainuman ko, kaya alam kong di mo ako pababayaan"sabi kong may himig pabiro

"Nang bola ka pa"sabi niya

"Hindi pare, totoo yon, alam mo na nag-iisa kang kaibigan kong sangga, di kita ipagpapalit kahit kanino pa dyan sa mga kabarkada ko, o katropa ko dyan sa may labasan, mga bata pa tayo, kasama na kita, kaya mahal kita eh", sabi ko sabay ngiting nakakaloko sa kanya

"Pare namumula ka ah, lasing ka na ba agad" dugtong ko (pansin ko ang pamumula niya)

"Gago, maputi ako syempre,kaya madali akong mamula, di katulad mo na maitim, walang makikitang namumula, hehehehehehe" sabi niyang tumatawa

"Kayumanggi pare, wag namang maitim, sakit sa tainga eh, saka dyan ka mali pare, kahit ganito ang kulay ko, may namumula din ng husto sa parte ng katawan ko, lalo na at galit, hehehehehhehe" biro ko

"Okey yang joke mo, gusto ko yan" sabi niya

"Pare, hindi yun joke, totoo yon, gusto mong makita? sagot kong patanong sabay hubad ko ng t-shirt

"Yan o, tignan mo pare, namumula ang dibdib ko"dugtong ko sabay ngiti

"Hehehehehehe,ok yang pamumula mo ah, di ko maaninag" sabi niya

"Insulto naman yan... sige na nga ihi lang ako"sabi ko sabay tayo para pumunta ng cr

Nang lumabas ako ng cr, kita ko si pare na parang ang lalim ng iniisip, punta ako sa may likuran niya, hawak ko siya sa kanyang 2 balikat, sabay kiss sa pisngi niya at sabi ko---

"Ang lalim yata ng iniisip mo ah, wag kang mag-alala mahal ka rin niyon" sabay upo sa silya ko

"Musta na kayo ni Dianne, wala pa bang plano para lumagay sa tahimik" sabi ko

Ngiti lang siya sa akin, tuloy pa rin ang inom,parang may dumaan na anghel, wala kaming imikan,inom lang...

"Nga pala, dito ka na matulog, baka macurfew ka pa dyan, hatinggabi na", sabi niya na parang pa-iwas sa usapan

"Okey, sabi mo eh" sagot ko

"Nga pala, musta naman ang pagbubukod mo ng bahay, di ka ba naiinip ng nag-iisa ka lang" tanong ko

"Madalas din naman si mama dito, saka dyan lang naman sila sa tabi ko, kapit-bahay, kaya parang kasama ko din naman sila lagi, isa pa, ang office ko naman sa ibaba lang, kaya nalilibang din ako?" sagot niya

Lampas ala-una na ng madaling araw, kapal na ng tainga ko, alam ko groge na ako, nakarami na kami ng inom, medyo umiikot na ang paningin ko, pero alam ko pa rin ang mga nangyayari, matinong matino pa rin ang isip ko, nakakaramdam na rin ako ng antok, kaya...

"Pare bagsak na ako, baka puwedeng mauna na ako ng higa, dahil kung dito ako aabutin, di mo ako makakayang dalhin sa kama mo, puwede?", sabi kong patanong

Tumayo na ako, hindi ko na hinintay ang sagot niya, punta na ako ng kuwarto niya, doon naman ay naghilamos lang ako ng malamig na tubig, alis ng sapatos at hubad ng pantalon, humiga na agad ako ng tanging brief lang ang suot, sanay naman ako dyan sa kumpare ko.

Hindi ko na alam kung ilang oras na ang nagdaan, nang may maramdaman akong parang may gumagalaw sa katawan ko, parang may humihimas sa akin, nanlalambot ako, dahil sa kalasingan,pero alam ko ang mga nangyayari,matino pa rin ang pag-iisip ko, kaya dumilat ako ng bahagya, kita ko kumpare ko.

Nakaupo siya sa may gilid ng kama, pinagmamasdan niya ang hubad kong katawan, humihimas siya sa dibdib ko, natigilan ako, gusto kong pigilin siya, pero di ko alam kung paano ko gagawin, maya-maya ay nakita kong hinahalikan niya ang matipuno kong dibdib, nakaramdam ako ng kiliti, ng sarap, pababa siya ng pababa hanggang sa may pusod ko, nagtagal siya ng ilang minuto sa mga pandesal ko, ngayon naman himas niya ang pagkalalaki ko na nasa loob pa ng aking brief. Galit ako, nakaramdam ako na binababoy na ako ng kaibigan ko, gusto kong sapakin siya ng mga oras na yon, pero di ko magawa, mas nanaig ang sarap, tinitigasan ako, tapos unti unti niyang hinuhubad ang brief ko, ng makawala ang uten ko, tagal niyang pinagmamasdan ito, hinalikan naman niya ang mga hita ko,hanggang sa mga binti ko, matapos yun ay pumaitaas uli siya ng halik niya, at natuon uli ang pansin niya sa matigas na matigas kong sandata. Dahan dahan niya itong sinasalsal, habang dinidilaan niya ang bayag ko.

Hindi ko na mapigil ang sarili ko, kakaibang sarap na itong nararamdaman ko, sobrang kiliti na sa akin ang dulot ng pagdila niya sa bayag ko kaya napaungol
na ako...

"Ohhhhhhhhh......."

Nagulat siya at nabigla ang gago kong kumpare, medyo natigilan, pero wala akong naging reaksyon ng pagtutol, kaya mas lalo yatang ginanahan ang gago sa kanyang ginagawang pagpapaligaya sa akin. Pinagbuti pa niya ngayon ang pagdila sa aking bayag. At paminsan minsan ay isinusubo niya ito at pinaglalaruan ng kanyang dila
sa loob ng kanyang bibig. Di ko alam,pero grabeng sarap ang dulot nito sa akin.


"Ahhhhhhhhhhhhhh......." ang muli kong ungol

"Maya't maya pa ay isinubo naman niya ang kabuuan ng pagkalalaki ko, kahit na may kalakihan ang uten ko ay kinaya pa rin niyang isubo ito ng buo, kahit alam kong nahihirapan siya. Halos mapaliyad naman ako sa sobrang sarap ng dulot ng mainit niyang bunganga. Grabeng sarap, nawala na ako sa katinuan, libog na ang umiiral sa utak ko-

Sige lang siya ng sige sa pagsuso sa sandata ko, at ibayong sarap at kiliti ang dulot non sa akin, kaya...

"Putang ina mo, wag mong titigilin yan,sigehan mo lang ng sigehan, malapit na ako gago ka, kainin mong lahat yan, simutin mo, tang ina mo" sambit ko habang sabunot ko na siya sa buhok at inginungudngod ko na siya ng todo sa tarugo ko, hanggang sa...

"Ohhhhhhhhhhhhhhhhhhhhhhh......"ungol ko bago ako labasan ng maraming tamod

Alam ko,nilunok niyang lahat yon, at ng bitawan ko siya'y tumingin sa akin at nakita ko ang luha sa mga mata niya. Tinignan ko lang siya ng masama, walang imik at natulog uli ako ng wala ng saplot sa katawan.



itutuloy...

Monday, October 11, 2010

MUKHA NG BUHAY...

Nagising ako sa tama ng sikat ng araw sa aking mukha, alam ko na dito ako natulog sa bahay ng kumpare  ko at di na rin ako nagulat pa kung bakit ako hubo't hubad nakatulog, alam ko na may nangyaring hindi maganda sa aming dalawa, pero hirap isipin kung bakit ako nagpa-ubaya, kung bakit ko nagustuhan at kung bakit ko siya pinaligaya ng lubusan. Ano ba ako??, nakakalito di ko masagot, gusto kong magalit sa kanya, gusto ko siyang sapukin, pero bakit di ko kayang gawin.... Wheww, hirap mag-isip-

Umupo ako sa may kama, iniisip ang mga nangyari sa buong magdamag, maraming katanungan sa utak ko na ang hirap sagutin, ang gulo,,, mga tanong na bakit at bakit. Kinapa ko ang sarili ko, nanglalagkit ako, makukuha ba ito sa paligo? mawawala ba at maibabalik sa dati ang lahat kung ililigo ko ito??

Nasa ganon akong ayos, ng pumasok si Thor na nakangiti, alam ko masaya siya at may hawak na isang tasa ng kape, lumapit sa akin at akmang hahalikan ako, kaya sabay tayo at taas ng dalawang kamay ko, wala akong pakialam kung burles pa ako sa harapan niya, 

"Puwede ba, layuan mo ako" wika ko at dali dali akong nagbihis ng aking mga damit, wala akong pakialam kung napaso siya ng mainit na kape, ang alam ko lang ng mga oras na yun, gusto kong umalis, umuwi sa amin, ayaw ko siyang makita, kaya walang paalam na lumisan ako sa bahay na yun.

Dumating ako sa amin na nasa may harapan na ng bahay ang 2 kong anak naglalaro, pagkakita sa akin ay nag-uunahang sumalubong at nagmano,
"tay, saan ka galing, may pasalubong ka sa amin" tanong sa akin ni Diego ang panganay kong anak

"saan ka natulog tay, sa bahay ba ni ninong" sabat ng pangalawa kong anak, Junior ko

"Siguro nag-inuman na naman kayo ni ninong" sabi uli ni Diego

 "Oo, nakipag-inuman nga ako don sa ninong nyo, at doon na rin ako natulog, pasensiya na ha, wala akong pasalubong, pero mamaya babawi ako sa inyo, mamasyal tayo" sagot ko sa kanila

 "Yippeee, aalis kami", tuwang tuwa na sabi nung dalawa

Pagkasabi ko non ay pumasok na ako ng bahay upang magkape, maglinis ng katawan at magpahinga ...


itutuloy...